Nakakulong na sa Camp Bagong Diwa ang labing isa (11) katao pang sangkot sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni DILG o Department of Interior and Local Government Officer in Charge Catalino Cuy matapos i-biyahe pa-Maynila kahapon ang mga nasabing akusado dahil sa peligrong dala ng mga ito kung mananatili sa Cagayan de Oro City.
Kabilang dito aniya ang ina ng Maute brothers na si Ominta “Farhana” Maute at dating Marawi City Mayor Fahad Pre Salic.
Sinabi ni Cuy na dalawampu (20) na ang nakakulong sa Camp Bagong diwa kaugnay sa rebelyon sa Marawi city.
Nagkausap na aniya sila ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaugnay sa hiling nitong matulungan sila ng DILG na mabigyan ng seguridad ang mga nasabing high risk detainee.
“Yung mga hindi high-risk andun sila sa mga military camps lalo na doon sa Cagayan de Oro sa headquarters ng 4th Army Division, so far initially ang pag-secure sa kanila doon sa Camp Evangelista ng 4th Infantry Division ng Army Headquarters pero itnransfer sila sa Camp Bagong Diwa for security reasons.” Pahayag ni Cuy.
By Judith Larino | Ratsada Balita (Interview)
Ina ng Maute leaders at 10 iba pa nasa Camp Bagong Diwa na was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882