Arestado ang ina ng mga lider ng Maute Terrorist Group sa Lanao del Sur.
Ayon sa ulat, naaresto si Farhana Maute sa isang checkpoint sa bayan ng Masiu sa Lanao del Sur kasama ang ilang kababaihan at dalawang (2) sugatan na pinaniniwalaan namang mga miyembro ng Maute Group na napuruhan sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Narekober sa grupo ng ina ng mga Maute Brothers ang ilang matataas na uri ng armas at mga IED o Improvised Explosive Device.
Si Farhana ang itinuturong financier sa aktibidad ng mga anak nitong lider ng Maute na sina Abdullah at Omar.
Maliban dito, si Farhana rin ang nagsisilbi umanong link sa pagitan ng Maute at mga dayuhang Jihadist sa Timog Silangang Asya.
Matatandaang nauna nang naaresto ng mga otoridad ang asawa ni Farhana at ama ng Maute brothers na si Casamora.
By Ralph Obina
Ina ng Maute leaders arestado sa Lanao del Sur was last modified: June 10th, 2017 by DWIZ 882