Tutol si Ginang Relissa Lucena, ina ng nawawalang aktibistang estudyante na si Alicia Jasper Lucena, sa panukalang ibalik na lamang ang negosasyon sa pagitan ng gobyerno at makakaliwang grupo.
Ayon kay Ginang Lucena, sila na naman ang magiging agrabayado dahil matagal nang usapin ito at halatang ginagamit lamang ng grupo ang usapang pangkapayapaan para magpalakas.
Aniya, hindi na niya alam kung anong katibayan pa ang kanilang ipapakita para maniwala sila sa tunay na sitwasyon o nangyari gaya ng kwento ng mga sumukong rebelde.
Dahil dito, nanawagan si Ginang Lucena kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang makipagnegosasyon pa sa makakaliwang grupo.
Ang anak ni Ginang Lucena ay sinasabing na-recruit ng grupong Anakbayan at dalawang taon nang nawawala.
Hanggang ngayon ay nakakaranas kami ng paghihirap. Mr. President pabor po ako sa peace talks pero wag na isama si Joma Sison, okay ang localized,” ani Ginang Lucena. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882