Hinamon ni Ginang Carmina Castillo ang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na idetalye sa kanya kung ano ang nangyari sa anak niyang si Horcaio “Atio” Castillo III mula nang hindi ito umuwi ng bahay hanggang sa matagpuan na niyang patay sa isang punerarya.
Nais din ni Ginang Castillo na isoli sa kanya ng mga sangkot sa pagkamatay ng anak ang mga gamit nito tulad ng kanyang cellphone at salamin sa mata.
Ginawa ni Ginang Castillo ang pahayag matapos mabunyag sa hearing ng Senate Committee on Public Order ang tangkang cover up na ginagawa ng Aegis Fraternity sa pagkamatay ni Atio.
Lumabas sa pagdinig na isang Migz Salamat ang may hawak ng cellphone ni Atio noong gabing masawi ito sa hazing.
Whoever text me and then like… I found him sa punerarya, unidentified. So, tell me what happened during those time, those days ‘coz you have to answer for all of that.
You have his phone, bring it back.
You have his eye glasses. You have his watch, bring it back.
Those are important things to us. Those were his last things that I want.