Nanindigan ang ina ng Filipino painter na si Briana “Bree” Jonson na hindi nagpakamatay ang kanyang anak, matapos itong matagpuang wala ng buhay sa isang hotel sa San Juan, La Union, noong Sabado.
Ayon kay Sally, hindi sila kumbinsido sa anggulong naglock ng banyo at nagbigti ang kanyang anak bagkus ay maaaring nanlaban ito matapos makita ang ilang kalmot sa braso ng boyfriend nitong si Julian Ongpin.
Bago anya matagpuang patay, pina-plano ni Bree na magsagawa ng art exhibit sa La Union sa Disyembre kaya’t wala silang nakikitang rason para ito magpatiwakal.
Matapos umuwi ng Pilipinas mula Canada, aminado naman si ginang Jonson na maaaring hindi siya agad makapunta sa burol ng kaisa-isang anak dahil sa mandatory quarantine.—sa panulat ni Drew Nacino