Nadawit na rin ang ina ni Filipino Olympic Pole Vaulter E.j. Obiena sa kinasasangkutan nilang gusot ng Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA.
Inakusahan ng PATAFA si Jeanette Obiena, na dating Auditor ng naturang national sports association na nag-misapropriate ng halagang P624K na inangkin umano mula sa PSC.
Ito’y sa kadahilanang reimbursement ang nasabing halaga ng coaching fee na binayaran kay Coach Vitaly Petrov para sa mga buwan ng Enero hanggang Marso 2019.
Dahil dito, naghahanda na ang legal team ng atleta na kasuhan ang nanira sa Olympian Pole Vaulter at sa pamilya nito, partikular sa kaniyang ina.
Ayon kay Atty. Bobbet Bruce, Legal Spokesperson ni E.J., pinag-aaralan nila na kasuhan ng slander o libel ang mga taong nasa likod ng pagdawit kay Jeanette.
Hindi anya nila palalampasin ang naturang alegasyon sa ina ni Obiena.