Nananawagan sa gobyerno ang ina ni Joselito Zapanta na bigyan sila ng tulong pinansiyal mula sa nalikom na P23 Million na blood money para sana mailigtas sa kamatayan ang naturang OFW.
Matatandaang natuloy ang execution kay Zapanta matapos kapusin ng P25 Million ang perang hinihingi ng naulila ng Sudanese landlord na pinatay niya noong 2009.
Ayon sa Pamilya Zapanta, may natanggap silang impormasyon na plano umanong gamitin sa iba ang pera kaya’t tinututulan nila ito.
Una nang nanawagan si dating Labor Undersecretary at ngayo’y senatorial candidate Susan Ople na i-donate na lamang ang bahagi ng blood money sa pamilya ni Zapanta at iba pang OFW na nasa death row sa ibang bansa.
By: Jelbert Perdez