Take care of her.
Ito ang bilin ng Amerikanang nanay ni Liza Soberano sa on screen partner ng kanyang anak na si Enrique Gil.
Naganap ito nang maghiwalay sina Liza at mommy nitong si Jacquelyn Elizabeth Hanley sa San Francisco International Airport kasama si Enrique pabalik ng Pilipinas, matapos na mai-promote sa San Francisco ang kanilang pelikulang Just The Way You Are.
Napag-alamang pitong taon nang hindi nakikita ni Liza ang nanay nito at dalawa pang kapatid.
Nangako naman si Enrique sa mommy ni Liza na kanya itong aalagaan.
Proud na proud at naiyak pa ang mommy ni Liza nang mapanood ang pelikula ng mag-love team.
Matatandaang sa California ipinanganak si Liza na pinalaki ng kanyang lolo’t lola at napilitang umuwi dito sa Pilipinas para makasama ang kanyang ama.
By Ralph Obina