Lilipad patungong Indonesia si Ginang Celia Veloso, ina ng Overseas Filipina Worker o OFW na si Mary Jane Veloso ngayong araw.
Ito ay upang dalawin ang anak kasabay ng ikatlong anibersaryo matapos na pansamantalang kanselahin ng pamahalaan ng Indonesia ang pagpapatupad ng parusang kamatayan kay Veloso.
Ang biyahe ni Ginang Veloso sa Indonesia ay pinondohan sa tulong ng iba’t ibang simbahan at mga OFW group.
Samantala, isang kilos protesta ang isasagawa ngayong Linggo, kasabay ng inaasahang ipalalabas na desisyon gn Court of Appeals sa inihaing motion for reconsideration kaugnay sa kahilingang payagan si Veloso na tumestigo laban sa umano’y mga recruiter nito sa Pilipinas.
—-