Sa viral video, mapapanood ang isang ina na sumugod sa loob ng basketball court nang makitang nakahandusay ang kanyang anak.
Dali-dali siya lumapit sa anak at kinumusta ito kung may iniindang sakit.
Biglang bumangon ang anak na player upang ipaalam na maayos lang ang kanyang lagay.
Bumalik ang ina sa kanyang kinauupan nang may ngiti sa kanyang mga labi matapos matiyak na ligtas ang kanyang anak.
Agad na umani ng sari-saring reaksyon online ang maikling video.
Ayon sa karamihan, patunay ang video na ito na wala talagang katumbas ang pagmamahal ng isang ina.
Tinawag naman ng iba na “unconditional love” ang ipinakita ng ina sa kanyang anak.
Ngunit napuna ang tila hindi pagpansin ng anak sa kanyang ina. Ayon sa ilang netizen, dapat niyakap nito ang kanyang ina. Katwiran naman ng iba, nagbibinata na ang anak kaya maaaring nahihiya na ito.
Gayunman, hindi maikakaila na kakaiba ang pagmamahal ng isang ina at hinding-hindi ito mahihigitan kailanman.