Positibo ang Department of Education (DepEd) na mas maraming paaralan ang magiging kwalipikadong lumahok sa expansion phase ng face-to-face classes.
Ito’y matapos aprubahan ng pangulo ang rekomendasyon para sa pagpapalawak ng limited physical classes.
Ayon sa DepEd, nasa 304 na paaralan ang kwalipikadong ipagpatuloy ang in-person classes simula ngayong buwan.
Samantala, tiniyak ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, sakaling walang pagbabago sa listahan ng mga lugar na nasa ilalim ng alert level, magpapatuloy ang pag-update ng DepEd sa imbentaryo ng mga paaralang magdaraos ng in-person classes.
Matatandaang, nauna nang sinabi ng DepEd na mayroong hindi bababa sa 6,500 na mga paaralan ang nasuri at handa para sa expansion phase ng face to face classes. —sa panulat ni Kim Gomez