Dismayado ang ilang grupo ng transportasyon sa muling pagtaas ng singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Kasunod ito ng anunsiyo ng ilang kumpaniya ng langis, kaugnay sa dagdag na mahigit P1.00 -P2.00 sa kada litro ng Gasolina, Diesel, at Kerosene na sisimulang ipatupad bukas.
Ayon sa pinagkaisang samahan ng mga tsuper at operator nationwide, nakagagalit ang muling pagsirit sa presyo ng langis dahil lalo lang itong magpapaliit sa kita ng mga tsuper at operator.
Iginiit ni Piston National President Mody Floranda, na hindi ito makatutulong sa mabigat na gastusin ng mga driver kung saan, mas mahina ang kanilang pasada ngayong tag-ulan.
Bukod pa dito, patuloy pang tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, kaya umaasa sila na gagawa ng paraan ang gobyerno, para tugunan ang kanilang problema sa nakaambang taas-singil sa langis.