Kinalma ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang publiko kaugnay sa posibleng taas-singil sa tubig sa susunod na taon, bunsod ng patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.
Ayon kay Patrick Ty, Chief Regulator ng MWSS regulatory office, kakaunti lamang ang ipapatong nila sa kanilang singil dahil hindi pa ganoon kalala ang epekto ng mataas na palitan.
Bagaman wala pang eksaktong datos kung magkano ang idaragdag sa singil, sinabi ng MWSS sa pulong na posibleng maglaro sa 25 kada cubic meter ang ipapatong ng Maynilad sa kanilang singil.
Dahil dito, ang mga residential consumers na kumokonsumo ng 10 hanggang 30 cubic meters kada buwan ay magbabayad ng dagdag na P 2.50 hanggang P 7.50 centavos sa kanilang bill.