Humihingi ng panahon ang Bangsamoro Region sa transisyon na inaasahan.
Marami pa umanong kailangang gawin upang makumpleto ang mahahalagang mga bagay sa pagbuo ng matibay na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inaasahan naman ng mga otoridad na ito ang susi sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa mga lugar na lubog sa kahirapan, matapos ng ilang dekadang labanan na kumitil sa buhay ng libu-libong tao.
Sa ilalim ng ra 11054, Bangsamoro Organic Law (BOL), ang boto na magmumula sa BARMM ay kasamang bibilangin sa pangkalahatang boto sa halalan 2022. —sa panulat ni Mara Valle