Mas marami pang Pilipino na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang inaasahang uuwi ng Pilipinas makaraang buksan muli ang mga international operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.
Bunga nito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), handa na rin ang gobyerno sa mas pinaganda at mas pinaayos pang mga serbisyo at programa para sa mga uuwi at lilikas na Overseas Filipino Workers (OFW).
Mula nang mag-umpisa ang outbreak, pumalo na umano sa mahigit 68,000 ang mga Pinoy na nagbalik-bansa dahil pa rin sa pandemya.a