Nagpahayag ng pangamba si House Majority Leader Congressman Rolando Andaya sa posibleng pagkadiskaril ng inaasam na solusyon para sa pangmatagalang kapayapaan sa lugar ng Mindanao.
Ito, ayon kay Andaya ay kung hindi mapopondohan ng gobyerno ang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Hindi aniya naglaan ng pondo ang Department of Budget and Management (DBM) mula sa 2019 proposed national budget para sa naturang plebesito na nakatakda sa Enero 21 at Pebrero 6.
Bukod pa rito, wala rin aniyang pondong inilaan ang DBM para sa pagpapatupad ng BOL sa isinumiteng proposed budget sa Kongreso.
(Ulat ni Jill Resontoc)