Hindi malayo na makuha ng Pilipinas ang inaasam na rice sufficiency sa taong 2028
Bukod rito, sa panayam ng dwiz sinabi ni National Irrigation Administration Administrator Eduardo Eddie Guillen, posible ring maabot ng bansa ang rice sufficiency ngayong taon kung maitataas ng ahensya ang “guild” at “cropping intensity” nito.
Binigyang diin pa ng opisyal na dapat lamang ibigay sa mga magsasaka ang kanilang mga pangangailangan tulad ng hybrid seeds upang mapaganda at mapataas pa ang ani ng mga ito.
Samantala, ikinadismaya ng opisyal ang kawalan ng pondo ng nia para sa mga pasilidad na masisira bunsod ng mga kalamidad sa bansa.