Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sabay-sabay na inagurasyon ng 143 social at tourism projects sa buong bansa.
Sa inauguration ceremony, sinabi ni Duterte na itinuturing na milestones sa ilalim ng “Build,Build,Build” program ang nasabing proyekto.
Bahagi ng 484 major seaport projects na nakumpleto mula Hunyo 2016 hanggang kasalukuyan ang social at tourism projects.
Ani pangulo, pauunlarin ng mga proyekto ang iba’t-ibang industriya kagaya ng shipping, fishing at tourism sectors ng mga probinsiya.
Sa ngayon, ipinatatayo na ng Philippine Ports Authority ang multi-million peso passenger terminal na tatawaging “biggest passenger terminal” sa buong bansa. —sa panulat ni Joana Luna