Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Overseas Filipino Bank (OFB) sa Postbank Center sa Maynila, Huwebes, Enero 18.
Aminado si Pangulong Duterte na masaya siya dahil natupad niya ang kanyang pangako sa mga OFW noong 2016 presidential campaign.
Setyembre nang lagdaan ng Punong Ehekutibo ang Executive Order (EO) 44 na lumikha sa Overseas Filipino Bank.
Sa ilalim ng EO 44, inatasan ang Philippine Postal Corporation na nag-mamay-ari sa Postbank, Bureau of Treasury na ilipat ang shares ng thrift bank sa landbank.
Matatandaang mariing tinutulan ng OFW group na Migrante International ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng OFW Bank.
Ayon sa grupo, pagpapakita lamang ito ng pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labor export program.
Anila, pabibilisin lamang nito ang mabilis na sistema ng pagkita mula sa mga OFW sa halip na tugunan ang ugat ng forced migration.