Pormal subalit simple at mabilis.
Ganito isalarawan ng kaniyang speechwriter ang magiging inagurasyon ni incoming president Rodrigo Duterte.
Ayon kay Davao city administrator Jesus Melchor Quitain, speechwriter ni Duterte sa nakalipas na labing apat na taon, nakasalin sa ingles at tatagal lamang ng limang minuto ang magiging talumpati ni Duterte.
Sinabi ni Quitain na hindi paliguy ligoy si Duterte na aniya’y kapag nagsalita ay diretsahan.
Tiniyak din ni Quitain na wala na sa inaguration speech ni Duterte ang marami aniyang mura nito sa mga biglaang talumpati.
By: Judith Larino