Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang ilang Local Government Units na i-live stream ang inagurasyon ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay PNP Spokesperson, Col. Jean Fajardo, inatasan na ni PNP OIC, Lt. Gen. Vicente Danao, Jr. ang kanilang field commanders at regional directors para makipag-ugnayan sa mga LGU.
Sa ilalim ng kautusan, magkakaroon ng malalaking LED wall bawat LGU at maging sa kahabaan ng edsa kung saan ipapalabas ang inagurasyon.
Ito ay para hindi bumaha ang tao sa National Museum na mismong venue ng inagurasyon ni pbbm sa Hunyo a-30.
Hindi naman binanggit ni Fajardo kung aling LGU ang inatasang mag-live stream sa inagurasyon.