Nasa Washington D.C. si US President-elect Donald Trump sa bisperas ng kanyang panunumpa bilang ika-45 pangulo ng Amerika.
Dumating si Trump kasama ang asawa nito na si Melania sakay ng kanyang private aircraft sa Washington Airport kaninang madaling araw, oras sa Pilipinas.
Kasunod nito, bagama’t hindi sisiputin ng mga democrats ang inagurasyon ni Trump, asahan namang makikita roon ang anim na religious leader upang mag-alay ng panalangin para sa bagong administrasyon.
Samantala, nakapagtala naman ng 44 na porsyentong approval ratings si Trump na pinakamababa para sa mga uupong Pangulo sa kasaysayan ng Amerika.
Ngunit binalewala lamang ito ni Trump at sinabing ang mga tutol sa kanya noong panahon ng halalan ang siya ring parehong tao na tinanong nang isagawa ang survey.
By Jaymark Dagala