Plantsado na ang paghahanda sa magiging inagurasyon ni President-elect Rodrigo Duterte sa Rizal Hall sa Malacañang sa Huwebes.
Ayon kay Inaugural Committee Head Ambassador Marciano Paynor, mahigpit ang bilin ng bagong pangulo na hindi dapat na maging dahilan ng trapiko ang naturang event.
Dahil dito, ang lahat ng bisita ay pinayuhang magtipon-tipon sa PICC sa Pasay City at iba byahe na lamang sa pamamagitan ng shuttle patungong Malacañang.
Mahigpit din ang bilin sa mga panauhin na hindi papayagan na magdala ng plus one o dagdag na kasamang ang may 600 dadalo sa event.
Dumating na sa Maynila ang dating asawa ni Duterte na si Elizabeth Zimmerman, anak nitong si Davao City Mayor Inday Sarah Duterte, Vice Mayor Paolo Duterte at pamilya nito.
Inaasahan naman na darating ngayong araw ang partner ni Duterte na si Honeylette Avancena at anak nitong si Kitty.
VP Robredo
Samantala, 300 mga bisita lamang ang inaasahang dadalo sa magiging inagurasyon ni incoming Vice President-elect Leni Robredo.
Ayon sa kampo ni Robredo, ito ay dahil sa limitado lamang espasyo sa executive house sa Quezon City, lugar kung saan gagawin ang inagurasyon.
Inaasahang darating sa lugar si Presidential sister Kris Aquino bilang kinatawan ni outgoing President Benigno Aquino III.
Samantala, pinayuhan ang mga supporters na hindi makadadalo sa inagurasyon ni Robredo na magtungo na lamang sa gaganaping thanksgiving party sa Quezon City Circle sa hapon ng June 30.
By Rianne Briones