Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-aamiyenda sa umiiral na Anti-Money Laundering Act.
Layon nitong palawakin pa ang saklaw ng mga aktibidad at personalidad na maaaring isailalim sa pagbusisi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Sa ilalim ng Republic Act 11521, sakop na rin sa pagbusisi ng amlc ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na may transaksyong hindi bababa sa kalahating bilyong piso.
Sakop din ng pinalawak na saklaw ng batas ang mga real estate developer at brokers na pumapasok sa single cash transactions na hindi bababa sa P7.5 milyong.
Kasunod nito, binibigyan na rin ng kapangyarihan ang amlc na mag-imbestiga at mag-apply ng search warrant o seizure order laban sa kahina-hinalang paggamit ng salapi.
Mayruon na ring kapangyarihan ang AMLC sa ilalim ng inamiyendahang batas na galawin ang kuwesyunableng pananalapi kung mayruong freeze order, preservation order o dili kaya’y forfeiture mula sa korte.