May pasok sa trabaho sa Nobyembre 2, All Souls Day, Disyembre 24, bisperas ng Pasko at Disyembre 31, bisperas ng Bagong Taon ngayong 2021.
ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon na nag-aamiyenda sa mga deklaradong regular holidays, special non-working days at special working days para sa kasalukuyang taon.
Sa ilalim ng inilibas na proclamation number 1107 ng Malakanyang, inanunsyo na bilang special working days ang All Soul’s Day, bisperas ng Pasko at New Year’s Eve.
Paliwanag ng pangulo, binawasan ang mga araw na walang pasok sa trabaho para matulungan ang ekonomiya ng bansa na makabawi mula sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.
Ito ay sa pamamagitan ng paghikayat sa economic productivity, pagbawas sa mga maaaring makaabala sa pagtatrabaho at paggunita sa ilang mga special holiday kahit may pasok sa trabaho.