Lumago ng 44% ang inangkat na bigas ng Pilipinas nitong Oktubre.
Sa huling datos ng Bureau of Plant Industry, katumbas ang tala ng 3.234 million metric tons, na 3.2 milyong mas mataas kumpara sa 2.242 MMT na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Nahigitan naman ng bagong datos ang record-high na 3.122 MMT na naitala noong 2019.
Ang Pilipinas ang ikalawang bansa sa buong mundo na kumokonsumo ng bigas sumunod sa China.