Na-itransmit na sa Senado ang inaprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso na concurrent resolution na nagsusulong na mag-convene ang Senado at Kamara bilang Constituent Assembly para pag-usapan ang Charter Change.
Si House Secretary-General, Atty. Cesar Strait Paraje ang sumulat kay Senate President Koko Pimemtel para ipabatid na may inadopt sila na Concurrent Reso 9 noong Enero 16 bagay na hinihiling nila ang concurrence ng Senado.
Sa sesyon kahapon, ini-refer ang naturang Reso sa Committee on Constitutional Amendment na pinamumunuan ni Senador Kiko Pangilinan na nagsasagawa ng pagdinig sa mga resolusyon at iba pang usapin na may kaugnayan sa Charter Change.
Iginiit ni Pimentel na lahat naman ay na-aayon sa proseso ang pagsusulong ng Chacha dahil inabisuhan ng Kamara ang Senado sa inaprubahan nilang Concurrent Reso ay hinihingi ang concurrence bagay na pagpapakita na tanggap ng Kamara na hindi nila maaaring isulong mag-isa ang pag-amyenda sa konstitusyon.
Ayon kay Senator Pimentel, hihintayin nila ang magiging Committee Report ng Committee on Constitutional Amendment sa mga resolusyon na naka-refer dito at hindi rin dapat mabahala ang publiko dahil nasusunod naman ang kaukulang procedure sa pagsusulong ng Chacha.