Hindi sapat ang P33 na dagdag sahod sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) at P55 sa Western Visayas.
Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), hindi na ito makakaapekto sa mga susunod na araw dahil sa pagtaas ng bilihin at serbisyo.
Tila ipinapakita naman ng kapiranggot na dagdag sahod ang aniya’y cheap labor sa bansa para mahikayat ang maraming investors na mamuhunan.
Samantala, umapela ang TUCP na amyendahan na ang batas na Wage Rationalization Act of 1989 kung saan dapat magtakda ng living wage para sa mga manggagawa.