Umalma ang ilang negosyante sa Bacolod City dahil sa inaprubahang dagdag sahod ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board para sa mga manggagawa sa Western Visayas.
Ayon kay Frank Carbon, presidente ng Metro Bacolod Chamber of Commerce and Industry (MBCCI), hirap pa ang mga kumpanyang tumugon dito dahil sa epekto pa rin sa mga negosyo ng COVID-19 pandemic.
Maliban pa ito sa mga bagyo at pag-iwan ng bakas sa ekonomiya ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Matatandaang sa kautusan, sasakupin nito ang lahat ng minimum wage earners sa Western Visayas.