Inihahayag ng IBON Foundation na hindi na halos maramdaman ang mga inaprubahang umento sa sahod ng mga manggagawa.
Ito’y kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Pilipinas.
Ipinabatid ng IBON Foundation kahit nadagdagan ng P37 ang minimum arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila ay hindi ito maramdaman dahil sa mataas na presyo ng mga pangunahing pangangailangan.
Paliwanag pa ng IBON Foundation, bumaba pa ng 10% ang tunay na halaga ng minimum wage sa Metro Manila.
Batay sa kanilang pag-aaral kailangan ng mahigit P1, 900 kada araw ang isang pamilyang may limang miyembro upang makapamuhay ng maayos.