Simula ngayong araw, June 4, ay matatanggap na ng mga minimum wage earners sa Metro Manila at Western Visayas Region ang inaprubahang umento sa sahod.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) , nangangahulugan na magiging P570 na ang suweldo kada araw ng mga manggagawa mula sa dating P537.
Inaasahang nasa P55 hanggang P110 naman ang dagdag-sahod para sa mga empleyado sa Western Visayas.
Samantala, may nakaamba ring wage hikes sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley at Caraga.