Nadagdagan ang kaso ng isang Bulgarian national matapos tangkaing suhulan ang mga pulis na umaresto sa kanya nang maaktuhang nagwi-withdraw ng pera mula sa isang automated teller machine (ATM) gamit ang ilang cloned ATM cards sa Barangay San Agustin, San Fernando sa Pampanga.
Kinilala ni Senior Superintendent Roland Agohob, hepe ng pulisya, ang suspek na si Ivaylo Sashov Galovov na nag-alok ng kalahating milyong piso sa dalawang hindi pinangalanang pulis kapalit ng hindi paghahain ng kaso laban sa kanya.
Inaalam na kung konektado si Galovov sa tatlo (3) pang dayuhan na una nang naaresto noong Hulyo 2017 matapos mahuling kumukuha din ng pera sa parehong bangko gamit ang ‘cloned’ na ATM cards.
Mahaharap si Galovov sa mga kasong paglabag sa Cybercrime Act at Access Devices Regulation Act.