Iniharap ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa publiko ang inarestong dalawang (2) dayuhang pinaghihinalaang miyembro ng teroristang grupo na ISIS.
Inaresto ang mag-asawang Husein Al Dafiri at Rahad Zheena noong March 25 sa Taguig City.
May kinalaman umano si Al Dafiri sa paggawa ng mga pampasabog habang napag-alamang biyuda ng pangalawang pinakamataas na military commander ng ISIS ang asawa niyang si Zheena.
Ayon kay Bureau of Immigration Chief Jaime Morente, nagpaplano ng pambobomba ang mag-asawang dayuhan sa Kuwait o sa Pilipinas.
Gayunpaman, sinabi ni Aguirre na hindi pa nila matukoy kung may mga Pilipinong grupo na konektado sa mga suspect.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation o NBI ang mga hinihinalang terorista.
By Avee Devierte |With Report from Aya Yupangco