Tiwala ang isa sa mga inarestong peace consultant ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines na magbabalik ang usapang pangkapayapaan sa 2019.
Ayon kay Rey Casambre, isa sa mga consultant ng NDFP at tumatayong executive director ng Philippine Peace Center, nakatitiyak siya muling ikukunsidera ng pamahalaan ang pagbabalik sa negotiating table.
Ito aniya ay dahil patuloy pa ring nahaharap sa labanan ang tropa ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Casambre, sakaling magpatuloy ngayong taon ang usapang pangkapayapaan mas magiging kalugod-lugod at makatotohan na ito.
Binigyang diin pa ni Casambre na paulit-ulit nang ipinahahayag ng NDFP ang pagiging bukas sa pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa kondisyong magiging akma ito sa the Hague joint declaration at sa mga nauna nang napagkasunduan.