Nanawagan ng hustisya si Bobi Wine na pambato sa pagkapangulo ng oposisyon sa Uganda.
Ito’y makaraang arestuhin siya ng mga awtoridad matapos na mag-file ng kanyang kandidatura sa Ugandan election body.
Mababatid na mula nang i-anunsyo ng musician turned politician na si wine ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo, ay maka-ilang beses na aniyang binubuwag ng mga kapulisan ang ginagawang pagtitipon ng kanyang mga tagapagsuporta.
Sa huli, ani Wine, ang nais lang naman niya ay tuldukan ang matagal na pag-upo sa pwesto ni Ugandan President Yoweri Museveni, na itinuturing na pinakamatagal na ‘seating President’.