Kinilala ang inasal na manok bilang panlima sa best chicken dishes sa buong mundo.
Batay sa top 50 list na inilabas ng International Aggregated Food Guide na Taste Atlas, nakakuha ang Visayas Region’S signature dish ng 4.6 score mula sa kabuuang 5.
Nanguna sa tala ang Pollo ala Brasa ng Peru na nakakuha naman ng 4.9 score.
Matatandaang bago nito, itinanghal ang lumpiang shanghai ng Pilipinas bilang best street food sa buong mundo, kaparehong buwan na itinanghal ang limang uri ng pancit bilang Best Noodles in the World.