Binabalak na isnabin ng mga Democrat ang nakatakdang inagurasyon ni US President Elect Donald Trump.
Kasunod ito ng pagtuligsa ni Trump sa civil rights icon at Georgia Representative na si John Lewis na unang nagsabing hindi siya tunay na Pangulo.
Matatandaang nag-tweet si Trump na sa halip, aniya, na batikusin ni Lewis ang mga resulta ng eleksyon, dapat na pagtuunan na lamang nito ang pagsasaayos ng kanyang nasasakupan.
Dagdag pa ni Trump, puro dada lamang si Lewis.
Dahil dito, inanunsyo na sa publiko ng ilang Democrat na hindi nila sisiputin ang inagurasyon ni Trump sa Biyernes.
By: Avee Devierte