Nag-abiso ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) sa publiko sa pagkakaroon ng delay sa lahat ng mga inbound at outbound mails o mga sulat na mula sa ilang bansa na may mga kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa PhilPost, asahan lalo ang pagkaantala ng mga liham mula at patungong Mainland China, Hong Kong at Macau.
Ito anila ay para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Paliwanag pa ng PhilPost, nakadagdag din umano ng delays sa lahat ng inbound at outbound mails ang mga nasuspindeng serbisyo ng gobyerno sa mga apektadong lugar.