Patuloy ang pagtaas ng bilang ng foreign tourist arrivals at mga balik-bayan simula nang luwagan ang restriksyon ng inbound passengers sa Pilipinas.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mula Pebrero a–10 hanggang a-20 ay umabot na sa halos 25,000 ang mga dumating na turista sa bansa.
Binubuo ito ng mga balik-bayan na 11,334 o 45.7 percent habang 13,492 o 54.3 percent ay pawang dayuhang turista.
Pinakamalaking bilang ng mga dayuhan ay mula sa Estados Unidos, Canada at United Kingdom. —sa panulat ni Mara Valle