Nakuha ng INC o Iglesia ni Cristo ag bagong world record sa “guiness” na “largest human sentence”.
Batay sa Guiness World Records, umabot sa 23,235 ang mga nakibahagi sa binuo ng INC na human sentence na “proud to be a member of Iglesia Ni Cristo”.
Mas mataas ito kumpara sa noo’y naitalang rekord ng India na nasa 16, 550.
Inaasahang tataas pa ang bilang na ito dahil hindi pa natatapos ang ilan sa mga isinasagawang aktibidad ngayong araw ng INC sa kanilang ginanap na Worldwide Walk for Poverty.