Ipamimigay na ng DSWD o Department of Social Welfare and Development ang tig-Isandaang Libong Piso sa mga matatandang may edad na isandaan o sa mga Centenarian.
Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, ang Region 6 ang nakapagtala ng may pinakamaraming Centenarians na aabot sa 360 at sinundan ng region 3 na may 342 Centenarians.
Gayunman sa 360 Centenarians na naitala sa Region 6, 38 rito na ang namatay.
Batay sa datos ng DSWD, kabuuang 2,992 na Centenarians ang naitala sa ibat-ibang bahagi ng bansa noong nakalipas na taon.
By: Meann Tanbio