Pabor si Congresswoman Janette Garin na mabigyan ng insentibo ang mga magpapaturok ng booster dose ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Garin na nakikita niyang susi ang pagbibigay ng insentibo tulad ng transportation allowance para mapalakas ang booster vaccination na ipinatutupad na nila sa kaniyang distrito sa Iloilo.
Ayon kay Garin, maraming nagdadalawang isip na magpa booster dahil kailangang mag absent sa trabaho at gumastos pa sa pamasahe.
Kaugnay nito, muling iginiit ni Garin ang pagtatayo ng on-site vaccination sa mga trabaho upang maging madali ang pagpapa booster ng mga empleyado.