Hawak na ng DOH at Iloilo Provincial Health Office ang incident report na isinumite ng Local Government Unit ng San Enrique, Iloilo kaugnay sa nasirang 167 doses ng Sinovac vaccines.
Sa gitna na rin ito ng imbestigasyon ng Provincial Health Office hinggil sa insidente.
Nabatid na matapos mag brown out, hindi kaagad nailagay sa tamang temperatura ang refrigerator kung saan nakaimbak ang mga naturang bakuna.
Huli na nang makitang nasa 10 °C ang temperatura sa refrigerator na dapat ay 2 °C hanggang 8 °C lamang ang kailangang lamig ng mga nasabing bakuna ng Sinovac.