Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang inclusive growth at social protection para mai-angat ang buhay ng mga Pilipino mula sa kahirapan.
Sa gitna na rin ito ng report na dumami ang mga mahihirap na Pinoy na nasa halos 20 milyon noong 2021 muila sa mahigit 17 milyon noong 2018.
Sinabi ni Gatchalian na isa sa pinaka epektibong paraan para masugpo ang kahirapan ay pagtatatag ng ekonomiyang makapagbibigay ng mas maraming trabaho at makapagpapataas ng productivity.
Ang panukala ni Gatchalian na One Town, One Product Philippines Act ay naglalayong tumulong sa mga MSMEs na makabangon mula sa dagok ng pandemya. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)