Posibleng may kinalaman sa patuloy na bakbakan sa Marawi City ang incognito trip ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Pananaw ito ni Political Analyst Professor Richard Heydarian na nagsabing ang istilo ng Pangulo ay parang sa Davao kung saan ito nagta-taxi driver kaya’t maaaring nagtungo siya sa komunidad at humingi ng tulong para labanan ang Maute Group.
Kasabay nito, binigyang diin ni Heydarian na dapat maging transparent sa kondisyon ng kalusugan ng Pangulo dahil ito ay isang national security concern.
Magugunitang nitong Sabado ay inihayag ng Pangulo na walang problema sa kaniyang kalusugan dahil ang kawalan niya ng mga aktibidad sa nakalipas na ilang araw ay dahil sa isang confidential o incognito trip bilang private citizen.
By Judith Estrada – Larino