Aprubado na sa kamara ang income tax exemption sa mga Senior Citizens
Ang house bill no. 8832 ay may layuning amyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997 upang mailibre sa buwis ang mga Senior Citizen sa bansa.
Ayon sa may akda ng panukala na si Senior Citizen Party-List Rep. Rodolfo Ordanes, malaking bagay na mailibre sa income tax ang mga matatanda.
Bukod pa dito, marami sa mga senior citizens ang hindi na-e-enjoy ang kanilang retirement pay dahil sa mataas na presyo ng bilihin sa merkado.
Sakaling maging ganap na batas ang naturang panukala ay masasakop nito ang holiday pay, overtime pay, night shift differential pay at hazard pay.—sa panulat ni Angelica Doctolero