Makaraang muling mahalal bilang Chairman ng Committee on Ways and Means, nangako si Senador Sonny Angara na bibigyang prayoridad niya ang pagpasa sa Income Tax Reform Bill.
Ayon kay Angara, hiniling niya na panatilihin siyang Ways and Means Committee Chairman para patuloy niyang matutukan ang pag-overhaul sa napakatagal na at hindi makatwirang Tax System sa bansa.
Tiwala si Angara na sa pagkakataon ito, may pag-asa nang maipasa ang Income Tax Reform Bill lalo pa’t isa sa ipinangako ng Pangulong Rodrido Duterte sa kanyang State Of the Nation Address ay ang pagpapababa sa Income Tax Rate.
Sa ilalim ng Senate Bill Numbers 130 at 137 ni Angara, ibaba sa 25 % ang Personal at Corporate income Tax Rates para mas maging competitive ang bansa.
Sa ngayon, kabilang ang Pilipinas sa may pinakamataas na Income Tax Rates sa ASEAN Region.
By: Meann Tanbio