Bibisitahin ni incoming AFP Chief Of Staff Lt. Gen. Ricardo Visaya ang lalawigan ng Sulu pag-upo niya sa pwesto sa Hulyo 1.
Layon nito na personal na malaman ang kasalukuyang estado ng military operations laban sa Abu Sayaff sa nabanggit na lalawigan.
Ayon kay Visaya, isa sa naging direktiba sa kanya ni President-elect Rodrigo Duterte ay ang bigyan ng solusyon ang problema sa Abu Sayaff at masugpo ang iligal na aktibidad ng mga ito gaya ng pagdukot sa mga dayuhan at inosenteng sibilyan.
Sa ngayon aniya ay lalo pang pinalakas ng militar ang kanilang opensiba laban sa mga bandido para ligtas na masagip ang natitira pang mga bihag ng mga ito.
By: Meann Tanbio