Inilahad ni incoming Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga plano nito para sa seguridad ang pagkain sa buong bansa.
Sinabi ni Piñol na makakamit ang nasabing food security sa pamamagitan ng mabilis at epektibong teknolohiya, madaling proseso ng pagpapautang sa mga magsasaka, at mabisang paraan ng pagbebenta ng mga sinaka.
Ayon kay Piñol, layon niyang masiguro na may pagkain ang bawat pilipino.
Bilang bahagi ng paghahanda sa kanyang pag-upo sa pwesto, binibisita ni Piñol ang mga magsasaka at mangingisda sa mga liblib na pook ng bansa upang malaman ang sitwasyon ng mga ito.
By: Avee Divierte