Tiniyak ni incoming Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, na magiging prayoridad sa kanyang pag-upo sa DAR ang pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka.
Ipinaliwanag ni Mariano na kanilang bibilisan ang pag-iimbentaryo ng mga sakahang lupa upang mas mapabilis ang pamamahagi nito sa mga benepisyaryo.
Sinabi ni Mariano na nakatakda silang magpulong ni Agrarian Reform Sec. Virgilio delos Reyes sa Lunes, para sa gagawing transition.
Bahagi ng pahayag ni incoming DAR Secretary Rafael Mariano
DAR fund
Tiniyak ni incoming Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano ang pagsusuri sa pondo ng DAR, mula noong 2011 hanggang 2014.
Sinabi ni Mariano na mahalagang malaman kung saan ginamit ang mga ito dahil mula sa mahigit P80 billion na pondo, mayroong P23 bilyong hindi nailabas na approriations.
Samantala, siniguro din ni Mariano na kakausapin nila ang lahat ng labor union sa DAR hanggang sa mga barangay, para mailagay sa ayos ang sistema sa kagawaran.
Bahagi ng pahayag ni incoming DAR Secretary Rafael Mariano
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas